Post by ~Byakko~ on Dec 3, 2008 1:51:18 GMT 8
“Tsong, angas ng guild mo ah. Lakas nyan ah.”
“Onga pare eh. ******* ata toh. San ka pa? /gg”
Sa tuwing napag-uusapan na lang ang guild, ito yung kadalasang usapan. Ngunit mas madalas pa dyan…
“Kano sahod?”
“Ano supplies nyo dyan?”
“San savepoint?”
“Invyt mo ako.”
At tuwing matatapos ang isang siege…
“Player X has left the guild. Secession Reason: ty ty balik nlng next siege”
At kapag nagmimiting ang members ng guild o di kaya nagmimiting ang mga gm ng guilds…
“Ayos n b ang suplays?”
“Bad 3p di ako nakaganti sa *******”
“Di n nmn nakadefend ano b yn? Ano ang nangyayari sa inyo?”
“Labas kasi ng labas mga members eh”
“Good job guyz next siege ganun ulit ah?”
“Kamusta na ang guild mo? Kasali pa rin ba kayo sa Faction?”
“Ka-NAP natin ang ******, ayos lang ba yun sa inyo?”
Tuwing napag-uusapan nlng ang guild, dyan na lang halos umiikot ang usapan ngayon. Ano na nga lang ba ang guild ngayon? Lumalabas kasi na ang guild ay isang political tool lamang o di kaya ay isang organization na nabubuhay dahil sa siege at para sa siege. Isang organization na tumatanggap ng kahit na sino at walang pake kung umaalis ang kahit na sino basta nakapagsiege ng maayos. Isang organization na sinasalihan at inaalisan tuwing may siege. Isang organization na tinitingnan bilang pagkakakitaan ng zenny at supplies kapalit ang 2 oras ng pagsisilbi. Ito na ang halos lahat ng guild ngayon. Ang katanungan…ito nga ba dapat yon?
…
…
Ano nga ba ang guild? Siguro para masagot yan, dapat sagutin muna natin ito: “Bakit ba mayroong guild?”
Naalala ko tuloy nung isang araw yung napag-usapan sa guild. Hindi ko na sasabihin yung mga exact words pero ganito yun: Isakripisyo mo ang iyong sarili, ang iyong mga gusto, isantabi ang iyong mga problema alang-alang sa guild. Napaisip na lang ako, tama ba yun? Bakit ba mayroong guild? Ano ba ang layunin nito? Mabuhay? Magsiege? O maging tahanan sa members nito? Naniniwala ako na ang layunin nito ay ang huli. Sana tama ako.
Mayroong guild dahil mayroong members. Kumbaga sa inggles, the guild exists because of its members and for its members. Kung iisipin mo, tama nga naman. Kung walang members, walang guild kasi ang bumubuo sa guild ay hindi ang pangalan kundi ang mga members. Ngayon, kung bahagi ka ng guild at gusto mong gumawa ng bagay na alang-alang sa guild, isipin mo muna kung bakit nga ba may guild at gamitin mo yun para makatulong sa guild. May guild dahil may members. So yun na, kung gusto mong makatulong sa guild, tumulong ka sa members. Maging open ka sa kanila at magiging open sila sayo...at dito sa openness na ito magmumula ang kakayahan ng isang guild para mabuhay.
Wag sana kayong malito nung sinabi ko na tumulong ka sa members para makatulong sa guild. Hindi ko naman ibig sabihin na ipagsaalang-alang mo na ang pagkatao mo para lang sa kanila. Hindi rin yung tipong sobrang pangungulit at pag-uusisa mo eh pakiramdam nila nanghihimasok ka na sa private life nila. Hindi ganun. Ang ibig sabihin ko lang naman dun, hangga’t maaari nandyan ka para sa mga kapwa mong members ng guild. Yung alam nilang nandyan ka na handang tumulong sa kanila. Hindi mo naman kailangan masyadong mag-usisa sa kanilang mga pribadong problema. Remember lagi na irespeto ang kanilang privateness and may right sila na sabihin ang kanilang pinoproblema at their own pace. In time, kusa silang lalapit sa’yo para humingi ng tulong mo, kung makikita nilang maaasahan ka (at bat naman hindi? :3).
Kung ikaw naman tong may problema, wag mong kakalimutang nasa isa kang guild. Wag mo kalimutan na hindi ka nag-iisa. Mayroon dyan na handang dumamay at tumulong sa’yo, ang kailangan mo lang ay lapitan. Oo, siguro kaya mo ngang pasanin ang problema mo ng mag-isa pero syempre diba mas madali kung may kaibigan ka na nandyan, tumutulong sayo. Wag ka matakot sa guildmates mo, indi yan nangangagat. Hahaha. Hindi nmn kita kinukumbinsi na dapat bawat problema mo na lang eh dapat alam ng guildmates mo. Ang akin lang naman, wag mo itago ang lahat ng problema mo sa iyo kasi nandito naman ang pamilya mong handa tumulong sayo. Kung di mo na kaya, wag mo kasi solohin, pde naman teamplay ;). Kaya nga guild diba? Sama-sama sa hirap at ginhawa....sa lungkot at saya....kung inaakala mong makakatulong kapag tinago mo ang problema mo para hindi makaapekto sa guild, nagkakamali ka....dahil hangga’t may problema ka, sa ayaw at sa gusto mo, damay ang guild....dahil ang guild ay para sa isa’t isa...para sa bawat isang kasapi nito. In short, kapag may problema ang isang member ng guild, apektado ang guild kasi ang guild ay ang members nito...remember that. Da best way? Solusyunan ang problema, teamplay man o solo, diskarte na yan....basta wag kalimutan, may option lagi na teamplay.
Ano nga ba ang guild? Simple lang ang sagot. Ang guild ay isang pamilya. Isang pamilya na kumakalinga sa bawat isa sa mga kasapi dito. Nagdadamayan sa lungkot at nagsisiya magkasama sa saya. Isang pamilyang maaasahan mong nandyan palagi para sa’yo maging ano pa man ang kinahinatnan ng siege kahapon o ng kahihinatnan ng siege sa makalawa. Isang pamilyang alam mong tanggap ka bilang kung sino ka kaya hindi mo na kailangan magpanggap bilang iba. Isang pamilyang maipagmamalaki mo sa sansinukuban ng Rune Midgard at maski sa labas nito. Isang pamilyang hindi nag-iiwanan at nang-iiwan kahit na ano pa man ang mangyari. Ang guild ay hindi pangalan. Ito ay isang pamilya na pagkatapos ng isang nakakapagod na araw, maging isa man itong malaking failure, makakaya mo pa rin ngumiti at sabihing
“Hahaha ok lang. Mapalad pa rin ako at may natatawag akong tahanan.”
Kaya nga ba’t PROUD ako na Signum Vincis ang aking apeylido. Walang iwanan kahit na ano pa man ang mangyari. Sa kabila ng maraming problemang binangga, heto at nakatayo pa rin.
Kaya ikaw na nagbabasa nito, Welcome po to the SV Family ^_^.